Restless ayon kay Merriam Webster "Feeling nervous or bored and tending to move around a lot, not relaxed or calm, unhappy about a situation and wanting change, having little or no rest or sleep"
This must be the perfect word to describe me the past few weeks. I'm writing just because I want to lay it all out and maybe try to understand how I am going to deal with my situation. I am at this point wherein I am easily triggered to cry. Walang araw na lumipas hindi ako naluha, ni hindi na ako namimili ng lugar kahit sa jeep naiiyak ako (feeling ko akala ng iba nakipagreak boyfriend ko sa'kin kaya ako naiiyak sa public place haha). Hindi ko alam kung ang hina ko o sadyang ganto ko maglabas ng pagod ko. Araw-araw ko pinapaniwala sarili ko na kaya ko; na may mailalabas pa kong effort na kakayanin ko onti na lang. I'm telling myself na it will all pay off at the end... Pero alam naman nating laging mahirap yung process. Seryosong hindi ko alam paano ko magsu-survive sa mga susunod na araw. Iniisip ko pa lang ano pagdadaanan ko kinakabahan na ako, hindi ko alam pano ko magagawa lahat ng tama. Pinagdadasal ko na lang na sana pagtapos ng buwan na 'to buo pa din pagkatao ko kasi unti-unti na kong nilalamon ng sistema eh.
Hindi ko alam panong diskarte gagawin ko sa buhay ko. Parang wala akong matapos. It's frustrating. Buong araw laptop na kaharap mo pero hindi ka matapos kasi minsan pinipilit mo na lang may magawa. Magpapahinga ka pero di ka talaga makapagpahinga kasi nagi-guilty ka sa oras na lilipas na sana may nagagawa ka. SO ANO NA BES HAHA. Hindi ko talaga alam ano gagawin ko,magagawa ko ba talaga kailangan kong mga gawin? Aasa ba kong magagawa ko sila? Hindi ko na alam ano pa isa-sacrifice ko... parang ubos na ko. Nakakasawa mapagod, nakakaumay marinig sarili ko na sinasabi kong pagod na ko at ayaw ko na. Hindi ko alam if ako lang ba talaga o talagang dadating sa point na ganto maramramdaman mo sa sitwasyon na meron ako ngayon eh. Ilang beses ko tinatanong sarili ko normal pa ba nararamdaman ko, tinanong ko na din 'to sa iba ehh kasi na-alarm na ako. Hay. Last na 'to gusto ko ipromise sa sarili ko, kasi sa mga susunod na araw wala akong ibang sasabihin (SANA) kundi LABAN LANG orrrr KAPIT LANG BES HAHAHAHA.
Salamat sa mga taong nagtiya-tiyagang kausapin pa ako kahit wala na ko kwenta kausap kadalasan dahil wala na akong matinong input. Salamat kasi di kayo napapagod pakinggan yung rant ko sa pagod ko. Salamat sa pagremind din sa'kin na kumain ako kasi napapabayaan ko na talaga sarili ko. Salamat sa naiiyakan ko kahit para kong bata na humahagulgol dahil di ko kinakaya binibigay ng mundo sa'kin ngayon. Salamat sa mga nagdadasal sa'kin kasi yun pinaka kailangan ko ngayon.
Sabi nga sa kanta:
"Cos what if your blessing come through rain drops
what if your healing comes through tears
what if a thousand sleepless nights are what it takes to know You're near
what if trials of this life are Your mercies in disguise"
Pray for me. Please. That I will not lose the little faith I have for myself. That I can still make it through all these. That I may hold on to what matters most. That I may be able to lay it all on God.
Sa bawat araw na lilipas paniwalain mo sarili mong kaya mo
Tandaan mo, ikaw ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Dalawang bagay lang 'yan
Susuko ka o lalaban ka?
Kung susuko ka, di matatapos ang hirap na nadaranansan
Kung lalaban, pwedeng matalo ka, pero masasabi mo sa sarili mong sinubukan mo
Pano kung magawagi ka sa laban na 'to?
Hindi ba't masarap sa pakiramdam na kinaya mo dahil pinagdesisyonan mong lalaban ka?
Huwag kang malunod sa problema
Umahon ka
Lumaban ka
Huwag kang mawalan ng pagasa
Dahil ikaw ang pagasa ng bawat tao na tinutulungan mo
Isipin mo magagawa mo para sa ibang tao
Puso lang sabi nga nila
Balikan mo kung anong rason bakit mo ginagawa 'to
Dun ka magsimula
Ipaalala sa sarili nang hindi maligaw
Konti na lang, kaya yan.
HAAAAAAY
Sa bawat araw na lilipas paniwalain mo sarili mong kaya mo
Tandaan mo, ikaw ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Dalawang bagay lang 'yan
Susuko ka o lalaban ka?
Kung susuko ka, di matatapos ang hirap na nadaranansan
Kung lalaban, pwedeng matalo ka, pero masasabi mo sa sarili mong sinubukan mo
Pano kung magawagi ka sa laban na 'to?
Hindi ba't masarap sa pakiramdam na kinaya mo dahil pinagdesisyonan mong lalaban ka?
Huwag kang malunod sa problema
Umahon ka
Lumaban ka
Huwag kang mawalan ng pagasa
Dahil ikaw ang pagasa ng bawat tao na tinutulungan mo
Isipin mo magagawa mo para sa ibang tao
Puso lang sabi nga nila
Balikan mo kung anong rason bakit mo ginagawa 'to
Dun ka magsimula
Ipaalala sa sarili nang hindi maligaw
Konti na lang, kaya yan.